ANG sabi nila, mahalagang sangkap raw ng isang relasyon ang pagiging resourceful o “madiskarte” ng bawat isa lalo na sa buhay mag-asawa.
Sa bansang England, isang misis na nagngangalang Laura Young ang kumikita sa pamamagitan ng pagpapa renta sakanyang mister na mahusay sa larangan ng pagka-karpintero.
Kumikitang kabuhayan nila ngayon ng asawang si James Young ang pagbibigay serbisyo sa mga kliyente partikular sa mga misis na nangangailangan ng ‘handyman’ na mag-aayos ng mga sira sa loob ng bahay.
Trabaho naman ni Laura ang maghanap ng mga kliyente sa pamamagitan ng pag advertise ng kanilang iniaalok na serbisyo sa Facebook at sa iba pang social media applications.
Araw-araw, kumikita ang mag-asawa ng £480 o katumbas ng mahigit P31,000.
Aminado naman si Laura na minsan hindi umano nauunawaan ng ilan ang konsepto ng pagpapa “hire” niya sakanyang asawa at inaakalang “for hire” ito sa ibang bagay.
Ganunpaman, masaya umano siyang nairaraos nila ang kanilang pang araw-araw sa pamamagitan ng patas na pag ta-trabaho at pakikipaglaban sa buhay.### JDR