Boxing: ‘Chocolatito’ bukas makipaglaban vs Donaire

Handa si dating pound-for-pound champion Roman “Chocolatito” Gonzalez na lumaban sa kapwa dating 4-division champion Nonito Donaire Jr.

Ayon kay Gonzalez, walang problema sa kanya, basta’t babayaran umano siya ng maayos.

Amindo naman ito na talagang magadaling na fighter si Donaire.

Pero saad ng Nicaraguan, tatapusin muna niya ang kanyang laban sa Mexican champion na si Juan Francisco Estrada.

Si Gonzalez ay nakatakda para sa year-end trilogy fight sa Mexican na naghamon ng rematch.