Boston Celtics – itinanghal bilang 2024 NBA Champion!

Nasungkit ng Boston Celtics ang kanilang 18th NBA Championship.

Tinalo ng Celtics ang Dallas Mavericks sa Game 5 ng kanilang NBA Finals series, sa score na 106-88.

Matapos tambakan ng 38 points noong Game 4, agad nagpamalas ang Celtics na gusto nitong gumanti sa pamamagitan ng mahigpit na depensa at mainit na shooting.

Bagama’t may double-double performance si Luka Doncic sa kanyang 28 points at 12 rebounds, hindi pa rin ito naging sapat para ma-extend ang serye.

Humakot ng combined 52 points ang tandem nina Jaylen Brown at Jayson Tatum para pangunahan ang Boston.

Hinirang naman si Brown bilang 2024 Finals MVP.

Dahil sa panalo ng Celtics sila na ang may pinakamaraming bilang ng kampeonato sa lahat ng NBA teams.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *