SIM cloning device – nadiskubre sa Porac POGO scam hub

Ano mang araw ngayong linggo ay inaasahang mabubuksan na ang vault na narekober sa ni-raid na POGO scam hub sa Porac, Pampanga.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio, sinabi nitong mas marami pang ebidensya ang kanilang makukuha sa oras na mapagbigyan na ang kanilang hiling na motion o warrant para buksan ito.

Sa ngayon, tinutumbok na raw nila ang iba pang mga POGO scam hubs sa Central Luzon, na maaaring naka-abot pa sa ibang mga karatig lalawigan.

Read More:  5 senators urge Bato to face ICC without Senate cover

Samantala, tiniyak ni Casio na tuluy-tuloy ang coordination nila sa National Telecommunications Commission (NTC) para sa mga na-recover na mga cellphones sa mga ni-raid na POGOs.

Kinumpirma rin ng opisyal na mayroong mga nakitang mga ‘sophisticated’ na cloning device, na maaaring ginagamit para i-clone ang mga SIM cards.

Kung maaalala, binatikos ni Senator Sherwin Gatchalian ang tila’y walang ngipin na implementasyon ng SIM Card Registration Act dahil nakalulusot pa rin ang mga registered SIM cards para gamitin sa scamming.

Read More:  CBCP urges Senate to immediately proceed with VP Sara impeachment trial

Naniniwala naman si Senate President Chiz Escudero na dapat ay ‘di na raw magpalusot pa ang NTC.

Kinuwestyon din ng author ng SIM Card Registration Bill ang naging implementasyon ng batas.

Aniya, hindi ito ‘silver bullet’ para labanan ang mga text scams.

Dapat din daw malaman kung ano bang ginagawa ng NTC para malabanan ito, gamit ang nasabing batas.