Mas marami pang mga bansa – kinundena na rin ang ginawang peligrosong maneobra ng China sa WPS

Nagkaisa ang iba’t ibang mga bansa para kundenahin ang ginawang mga harassment, at mga panibagong dangerous manouvers ng China sa West Philippine Sea.

Una nang tiniyak ng Amerika, sa pammagitan ni US Ambassador to the Philippine MaryKay Carlson ang suporta nito para sa mga kaalyadong bansa.

Read More:  Quezon City RTC issues arrest warrant vs. VP Sara Duterte

Kinundena nila ang naging napaulat na pagkasugat ng isang Pilipino, at ang damage sa barko ng Pilipinas na maghahatid lang dapat ng supply sa loob mismo ng ating exclusive economic zone.

Naglabas din ng magkakahiwalay na pahayag ang mga embassies ng UK, Japan, Netherland, France, New Zealand, Australia, Finland at European Union.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Giit nila – dapat ay respetuhin ng China ang international maritime laws, pati na rin ang pagsunod sa 2016 arbitral ruling na naipanalo na ng Pilipinas sa UNCLOS.