Boss sa ilang bayan sa Partido Area, umarangkada na

Umarangkada na sa ilang bayan sa Partido Area ang taunang Business One Stop Shop, kung saan pinagtitipun-tipon ang mga ahensya at opisina ng gobierno upang mas mapadali ang Business Permit Application Renewal.

Sa bayan ng Presentacion, ayon sa Head ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) na si Ebenezer Presentacion, mangilan-ngilan pa lamang  ang pumunta sa unang araw ng BOSS, gayundin sa bayan ng Sagñay. Habang sa bayan ng Goa naman, nagpapatuloy rin ang renewal ng  business permit application tampok ang 5 percent discount sa mga babayaran ng mga maaagang mag-a-avail  nito.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Samantala, ayon naman kay Department of Trade and Industry Camarines Sur, na si Jay Ablan, ang hakbang na ito ng DTI katuwang ang mga opisina at ahensya ng gobierno ay layuning mas mapabilis ang pagproseso ng mga business owners sa kanilang mga permit lalo na’t nasa iisang venue na lamang matatagpuan ang mga kinakailangang ahensya.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan