Isa sa mga aaralin ni Vice President-elect Sara Duterte sa pag-upo nito bilang susunod ng Education Secretary ay ang mga hakbang para mahikayat ang mga magulang at mga paaralan na bumalik na sa face-to-face setup.
Sa pagharap ni Duterte sa media matapos ang pagbisita niya sa venue ng kanyang panunumpa sa San Pedro Square sa Davao City, sinabi ng secretary-designate na aaralin nila ang mga naging epekto ng pandemya sa ating mga learners.
Sa tagal na raw kasing walang face-to-face classes, dapat nang balangkasin ang mga programa’t mga hakbang para maibalik na ito.
Aaralin din anila ang mga panuntunan sa umiiral na K-12 system sa bansa.
Samantala, dumistansya naman si Duterte sa usapin ng minumungkahi nito dati na panunumbalik ng mandatory ROTC.
Aniya, ipauubaya niya na ito sa CHEd dahil hindi sakop ng DepEd ang usapin sa military training.
#