Boobay – nawalan ng malay habang nagho-host

Hinimatay ang komedyanteng si Boobay, ‘o Norman Balbuena sa totoong buhay, habang nagho-host ng isang event sa Aparri, Cagayan.

Sa Facebook Live ni Vice Mayor Rene Chan – makikitang nawalan siya ng malay.

Nagpe-perform lang ito, kasama ang kapwa-komedyanteng si Pepita Curtis nang mangyari ang insidente.

Bigla itong tumigil sa pag-awit, at nakita na lang na nakaratay na sa entablado.

Sa hiwalay na Tweet ni Pepita – sinabi niyang matapos ang performance ay ‘OK’ na raw si Boobay at nagpahinga na sa kanilang hotel.

Kung maaalala – hindi ito ang unang pagkakataon na nagpamalas si Boobay ng isang health-related incident sa publiko.

Abril noong nakaraang taon nang makaranas siya ng ‘absent seizure’ sa gitna ng interview niya kay Boy Abunda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *