Bongbong Marcos, napanatili ang mataas na lead sa Pulse Asia survey

Napanatili ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kaniyang malaking lead mula sa kaniyang mga kapwa presidential aspirants sa pre-election poll na inilabas ng Pulse Asia nitong Lunes.

Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay nagtala si Marcos ng 60% sa survey na ginawa mula February 18-23.

Read More:  Online gaming firm endorsed by Ivana Alawi fined P1 million by PAGCOR

Makikita naman na malayo ang agwat nito sa 15% na naitala ni Vice President Leni Robredo na nasa ikalawang pwesto.

Nasa ikatlong pwesto naman si Manila Mayor Isko Moreno na may 10% na sinundan nina Senator Manny Pacquiao na nasa ikaapat na pwesto na may 8% at Senator Panfilo Lacson na may 2%.

Read More:  PAGASA warns of heavy rains across Luzon through National Heroes’ Day

Umiskor naman ng 0.4% o mas mababa pa ang iba pang presidential aspirants kabilang na sina Faisal Mangondato, Leody de Guzman, Jose Montemayor, Jr., Ernesto Abella at Norberto Gonzales.

Samantala, nasa 4% naman ang undecided.