Bongbong Marcos, kinumpirmang tatakbo pagkapangulo sa 2022 polls

Kinumpirma na ni dating senator Bongbong Marcos na siya ay tatakbo pagkapangulo sa 2022 polls.

Ginawa ni Marcos ang opisyal na anunsyo sa pamamagitan ng kanyang social media page.

Matatandaan na noong Setyembre, inendroso si Marcos bilang standard bearer ng Kilusang Bagong Lipunan, ang partido na pinamunuan ng kanyang amang si dating diktador Ferdinand Marcos.

Read More:  Padilla urges supporters to stay calm ahead of November 6 DOJ hearing

Sa panahong iyon, sinabi ng dating mambabatas na nasa final stages na siya ng pagdedesisyon kung anung national post ang kanyang tatakbuhan.

Read More:  NBI Chief Matibag says arrest of Sen. Bato Dela Rosa could be near

Ang anunsyo ni Marcos ay kasabay ng kanyang pagsali sa Partido Federal ng Pilipinas, kung saan umupo ito bilang party chairman matapos ang kanyang panunumpa.

Si Marcos ay tumakbo bilang bise presidente noong 2016 election, pero natalo kay Vice President Leni Robredo. //MHEL PACIA-TRINIDAD