Bomba, bala at baril ng NPA, nahukay sa Sorsogon

Narekober ng tropa ng pamahalaan ang mga bomba, iba’t-ibang bala at baril sa Brgy Hidhid, Matnog, Sorsogon.

Sa report, natuklasan ng 22nd Infantry Battalion ang mga nakaimbak na armas ng NPA.

Kabilang sa mga narekober na armas ay dalawang kalibre 38 na revolver, 9 na IED at aabot sa 250 rounds na iba’t-ibang bala.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sinabi pa sa ulat na ang natuklasan na mga gamit ng NPA ay bunsod na rin ng mga impormasyon na naiparating sa kanilang kampo.

Agad namang nagpasalamat sa komunidad ang bagong talaga na commander ng batalyon na si Ltc Allan Mangaser.

Muling nanawagan naman ang commander ng 9th Infantry Division na si MGen Alex Luna sa mga natitira pang opisyal at kasapi ng NPA na sumurender at bumalik na sa kani-kanilang pamilya lalo pa at malapit na ang Pasko.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Matatandaan na noong Nobyembre 8 nitong taon, nadiskubre rin ang mga gamit pandigma na nagresulta sa pagkasamsam ng ilang mahahalagang materyales ng rebeldeng grupo at ang sabay-sabay na pagsuko ng miyembro nito sa Barangay Barbara, Bulusan.