TRO ni Albay Gov. Rosal, tatalakayin ngayong araw sa korte suprema

LEGAZPI CITY – Nananawagan ngayon si Albay Gov. Noel Rosal sa mga Albayano na ipagdasal ang magiging kalalabasan o desisyon ng korte suprema ngayong araw ukol sa disqualification case laban sa kanya.

Ayon kay Rosal, inaasahan niyang tatalakayin sa korte suprema ang tungkol sa kanyang temporary restraining order (TRO).

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Naniniwala ang opisyal na ang boses ng mga Albayano ay nakarating na sa Metro Manila at nang malaman na rin ng korte kung ano ang ipinaglalaban ng mga ito.

Umaasa siyang masasagot o mayroon nang desisyon ang korte suprema para sa kanyang hinihintay na TRO ngayon araw.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Samantala, nagsasagawa ang mga tagasuporta ng ringing of Liberty Bell sa Peñaranda Park bilang pahayag ng kanilang suporta at pagkakaisa.

Maliban pa rito, maging ang Philippine Guardian Brotherhood, Inc. ay nagsagawa kahapon ng signatures campaign bilang suporta sa gobernador.