40 anyos na lalaki, arestado sa kasong child abuse sa lunsod ng Legazpi

LEGAZPI CITY – Sa kulungan ngayon ang bagsak n isang 40 anyos na lalaki matapos hulihin sa loob ng Regional Trial Court (RTC) Branch 9 Brgy. Rawis, Legazpi City, Albay.

Kinilala ang akusado na si alyas “Jobert”, residente ng P-2, Brgy. 2, Poblacion, Camalig Albay.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ayon sa report, hapon nang isilbi ng pinagsanib na pwersa ng Albay MARPSA at Legazpi CPS ang warrant of arrest laban sa akusado.

Nahaharap ito sa kasong child abuse at nagsimula ito sa taong 2011.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Samantala, wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ang suspek ay dinala na sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.