Bomba at gamit pampasabog ng mga NPA, nakumpiska

SORSOGON CITY – Walang naiulat na kaswalti sa tropa ng pamahalaan sa nangyaring engkwentro, umaga noong Martes sa Brgy Tondol, Donsol, Sorsogon.

Humigit-kumulang 10 miyembro ng New People’s Army, sa ilalim ng pamumuno ni Ka George at Ka Lucio ang nakasagupa ng mga sundalo at PNP.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Matapos ang limang minutong palitan ng putok, agad na nagsitakas ang mga rebelde.

Narekober naman ng mga sundalo sa pinangyarihan ng engkwentro ang dalawang IED, dalawang blasting caps at humigit-kumulang 50 metros na detonating cord.

Hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy pa din ang isinasagawang pagtugis at clearing operations sa lugar kung saan nangyari ang engkwentro.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Mas pinaigting naman ang isinasagawang checkpoint ng mga pulis sa naturang bayan at mga karatig na lugar.

Ito ang unang engkwentro ng militar at mga rebelde sa lalawigan sa taong ito.