BOC – P1-B na halaga ng smuggled agri products, nakumpiska sa ilalim ng Marcos admin

Papalo na sa isang bilyong piso ang mga nakumpiska ng gobyerno na smuggled agricultural products simula nang magsimula ang Marcos administration o katumbas sa 96 seizures.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), patuloy nilang ipapatupad ang kampanya laban sa agricultural smuggling sa harap ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Dagdag ni BOC spokesperson Arnaldo dela Torre Jr., na ang latest interception ng smuggled agricultural products ay nangyari sa Port of Subic, kung saan ang mga frozen carrots, pula at puting sibuyas mula sa China ay nadiskubre sa loob ng container shipments.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Sinabi ni Dela Torre, na ang methods kung papaanu bineyahe ang naturang mga commodities ay innovated na. //MHEL PACIA