8, patay sa pagtaob ng jeep dahil sa malakas na baha sa Tanay

Patay ang walong tao mgatapos tumaob ang isang pampasaherong jeep ng baha sa Barangay Sta. Ines sa Tanay, Rizal.

Ayon kay Tanay Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office chief Norberto Franciso Matienzo Jr., nasa 25 mga pasahero ang lulan sa jeep, na karamiha’y mga senior citizens.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sinasabing bumaba ng bayan ang naturang mga seniors para kunin ang kanilang cash aid sa local government, habang ang ibang mga pasahero ay bumili ng suplay.

Pagbabahagi ni Matienzo, na batay sa isang pahintante, binabatak sila ng isa pang sasakyan dahil nabalahaw umano sila, hanggang sa inabutan sila ng isang malakas na bugso ng baha, dahilan na tumagilid ang kanilang sasakyan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Nabatid na 15 mga ilog pa ang kailangang tawirin para makarating sa Barangay Sta. Ines. ( MICHAEL BAYLON PHOTO)