DA:100k kilo ng smuggled white onions, di na ibebenta sa Kadiwa markets

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na hindi na nila ibebenta ang 100,000 kilo ng smuggled white onions sa Kadiwa markets, dahil hindi umano ito ligtas para sa human consumption.

Una nang sinabi ng ahensya na plano nilang ibenta ang naturang produkto para makatulong na mapababa ang presyo ng sibuyas.

Read More:  Tolosa says impeachment conviction could bar Sara Duterte from 2028 race

Ayon kay DA deputy spokesperson Rex Estoperez, na ang pinag-imbakan ng smuggled nito ay hindi para sa sibuyas, kaya nung nakumpiska ito ay mukhang nag-deteriorate na ang iba.

Read More:  Tulfo seeks persona non grata move against Chinese Ambassador Jing Quan

Batay din umano sa ilang pagsusuri, lumalabas na ang onion bulbs ay nabubulok na maaring magbigay ng health risks sakaling gamitin pa.

Dahil dito, ililibing o susunugin na lamang ang mga nakumpiskang sibuyas. //MHEL PACIA