Nadiskubre ng mga agents ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit P131 .9 million na halaga ng frozen foods, matapos ang ginawang eksaminasyon sa tatlong container vans na nagmula sa China.
Ayon kay BOC Commissioner Yogi Filemon Ruiz, na ang shipment ay dumating sa MICP at ideneklara na naglalaman ng frozen prawn balls.
Pero sa physical examination, nadiskubre na ang shipments ay naglalaman din ng frozen meat, garlic short rib, at smoked duck breast.
Dahil dito, maghahain ang ahensya ng kaukulang criminal charges laban sa mga consignees.

Giit ni Ruiz, kailangan na patupad ang ngipin ng batas laban sa naturang mga grupo, na ginagawa lang katatawan ang batas at ang ahensya, sa paniniwalang laging makakalusot ang kanilang modus. //MHEL PACIA