Tiniyak ng chairperson ng House of Representatives’ committee on constitutional amendments sa mga opposition lawmakers, na hindi mamadaliin ang pagpasa sa panukalang amyendahan ang Konstitusyon.
Sa unang pagsalang ng naturang usapin, inihayag ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang kanyang concerns para sa panukala, gaya ng House Bill (HB) No. 4926, na nananawagan para sa pagbuo ng constitutional convention sa December 2023, na hindi madaliin tulad ng ibang mga panukala.
Bilang tugon, sinabi ni committee chairperson at Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez na pabor siya sa pahayag ni Brosas, kasabay ng pagsisiguro na hihilingin ng committee secretariat sa lahat ng mga mambabatas na magpresenta ng listahan ng mga resource persons, na maaring maimbitahan para sa naturang discussions.

Dagdag ni Rodriguez, na ang mga pagdinig para sa proposed amendments sa Konstitusyon ay gagawin sa mga probinsya, para marinig ang boses ng mga tao.
Una nang nanindigan ang Makabayan bloc na hindi kailangan ng mga tao ang Cha-Cha, kasabay ng paghimok sa Kongreso na tutukan nalang ang pagtulong sa mga Pilipino na makalagpas mula sa inflation. //MHEL PACIA