Bato dela Rosa, iginiit na muli na namang nagbabalik ang ninja cops sa Metro Manila

Binigyang diin ni Sen. Ronald Dela Rosa, na nagbabalik na naman ang mga ‘ninja cops’ o ang mga pulis na dawit sa ilegal na droga.

Ang pahayag ni Dela Rosa, ay matapos ang pagkakaaresto kay M/Sgt. Rodolfo Mayo Jr. mula sa PNP Drug Enforcement Group (PDEG), na kasama sa historic drug bust, kung saan nakumpiska ang nasa P6.7 billion na halaga ng “shabu” noong Oktubre.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Ayon sa dating PNP chief, na ang naturang suspek ay itinapon na umano sa Mindanao noong 2016, matapos lumabas sa intelligence report na ito ay ninja cop.

Dahil dito, nagtataka ang naturang senador kung bakit nakabalik ito sa Metro Manila at ginawa pang intelligence officer ng PDEG, kung saan lumawak pa umano ang kanyang papel na pagpapadami ng droga sa bansa.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Ipinaliwanag naman ni Dela Rosa kung bakit hindi tinanggal sa kanilang pwesto ang mga ninja cops, ay dahil ang intelligence reports at ang investigation process ay magkaiba. //MHEL PACIA