LEGAZPI CITY – Nagsagawa ng 3rd Quiz Bee Competition ang Bureau of Customs (BOC) Legazpi kaugnay ng pagdiriwang ng kanilang ika-98 anibersaryo.
Ito ay isingawa sa opisina ng nasabing ahensya, kung saan walong koponan na binubuo ng mga mag-aaral ng Customs Administration mula sa iba’t ibang paaralan sa Bicol ang lumahok rupang ipakita ang kanilang kaalaman sa mga customs-related topics.
Sa huli ay itinanghal na kampeon sina Ashley Porras at Joedhea Mae Repomanta ng Mariners’ Polytechnic Colleges Foundation (MPCF) Legazpi, na sinundan naman nina Jobelle Keith Ayab at Kristine Paz mula sa MPC Naga, habang nasungkit nina Adrian Gonzales at Ephemari Clerigo ng MPCF Canaman ang ikatlong puwesto.