CAMARINES SUR — Malaking hamon para sa mga bombero sa bayan ng Siruma sa kawalan ng mga gumaganang fire hydrant, matapos na masira ito ilang taon na ang nakararaan dahil sa bagyo.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Fire Officer 1 Russel Anthony Yap, an Chief Municipal Intelligence and Investigation Unit ng Bureau of Fire Protection Siruma, malaking tulong sana ang pagkakaroon nito upang mabilis na makapagresponde sakali mang may malaking sunog na sumiklab lalo na at may kalayuan ang mga karatig-bayan.
Bagaman wala pang naitatalang structural fire ang BFP Siruma, at tanging mga grass at bushfire lamang, panawagan nila sa publiko ang ibayong pag-iingat upang makaiwas sa sunog lalo na ngayong ramdam pa rin ang matinding init ng panahon.