Board passer, viral ang naging reaksyon nang malamang nakapasa

Usong uso ngayon ang pagvi-video ng mga reaksyon ng mga nag-take ng board exams kung nakapasa sila o hindi.

Makikita mo kasi sa mga reaksyon ng board passers ang saya sa kanilang mga mata, at agad na malalaman na talagang pinaghirapan ang kanilang na-achieve na milestone.

Ngunit ibahin mo ang isang board passer na ito dahil imbis na matalon sa saya o kaya’t maiyak, tila’y nagpaka “non-chalant” siya nang malamang nakapasa siya sa civil engineering licensure exam.

Ayon sa nag-take ng video, hindi niya rin ma-congratulate ang kanyang kapatid na nakapasa dahil hindi niya alam kung disappointed ba ito o talagang hindi lang siya na-sorpresa sa magandang balita.

Ani ng mga netizens, parang na-seen zone lang ni engineer ang resulta.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *