10, 000 mga manok sa Japan, isinailalim sa culling dahil sa kaso ng bird flu

Tumaas ang kaso ng bird flu sa Japan matapos na makumpirma ang bagong impeksyon sa Chiba at Fukuoka.

May kabuuang 54 na kaso ng avian flu ang nakumpirma sa 23 prefecture sa Japan ngayong season, ayon sa Ministry of Agriculture, Forestry and Fisheries.

Sa isang poultry farm sa Chiba Prefecture sa eastern Japan, malapit sa Tokyo, isang kaso ng avian flu ang nakumpirma sa pamamagitan ng genetic testing, na humantong sa pag-culling ng humigit-kumulang 10,000 manok.

Ang unang kaso ng bird flu sa season na ito ay nakumpirma noong Oktubre, na may nakamamatay na H5N1 strain na nakita mula sa mga samples ng mga nahawaang manok.

Ang bird flu ay pinaniniwalaan dala ng mga migratory birds sa Japan.//CA