Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP na walang magiging special treatment para sa mga persons deprived of liberty na nanalong kagawad sa nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ang tatlong nanalong PDL ay mula sa Dasmariñas City Jail, Tanay Municipal Jail, at Cagayan de Oro City Jail.
Ayon kay BJMP spokesperson Jail C/Insp. Jayrex Bustinera, binubuo na nila ang polisiya patungkol dito lalo pa’t unang pagkakataon na bumuto ang mga PDL sa BSKE at may nanalo.
Nirerespeto rin anila ang mga nahalal na opisyal at may tungkulin ngunit kailangan aniya i-balance ang rule sa PDL at hindi sila pwedeng bigyan ng special priviledge.
May e-dalaw o virtual visit na ipinatutupad at availability ng teleconferencing at ito aniya ang tinitingnan nilang platform para sila’y makadalo sa kanilang mga tungkulin.
Kung kailangan naman ng attendace, kailangan muna ng court order.