3 police ‘scalawags’, na sangkot sa iba’t-ibang kaso, arestado sa iba’t-ibang kaso

Arestado ng mga tauhan ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group ang tatlo nilang kabaro na sangkot sa iba’t-ibang kaso.

Ayon kay PNP-IMEG Director, PBGen. Warren de Leon, tagumpay na naisilbi ang warrant of arrest sa tatlong pulis sa loob lamang ng 24 oras.

Kasama sa naaresto si Patrolman Micheal Angelo Basa sa Cabanatuan City, Nueva Ecija dahil sa kasong Grave Threat sa ilalim ng Article 282 ng Revised Penal Code.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Sa hiwalay na operasyon, nahuli naman sa paglabag sa R.A. 9262 si Police Master Sgt. Joey Cauilan sa Tuguegarao City, Cagayan.

Inireklamo kasi sya ng kanyang asawa dahil sa pagtakbo nito sa kanyang responsibilidad matapos hindi magsustento.

Samantala, inaresto naman sa Quezon, Isabela, ang dating Police Corporal na si Marvin Jay Allam Pagulayan, dahil sa Estafa.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Sa ngayon, nakaditene na ang mga suspek sa mga istasyon na nakahuli sa kanila.

Pagtitiyak naman ni De Leon, hindi titigil ang IMEG sa adhikain nito na malinis ang hanay ng kapulisan sa mga bulok nitong miyembro lalo na at nakakasira sila sa imahe ng pambansang pulisya.