6% na paglago ng ekonomiya, kakayanin pang makamit ngayong taon – Romualdez

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na kakayanin pang makamit ang 6 percent na economic growth target ng gobyerno ngayong taon.

Reaksyon ito ni Romualdez sa ulat ng Philippine Statistics Authority na lumago ng 5.9 percent ang ekonomiya sa third quarter ng 2023.

Ayon sa House Speaker, posibleng makatulong sa mas mabilis na paglago ng ekonomiya ang mataas na consumer spending ngayong Christmas season, yearend disbursements at project completion ng mga ahensya ng gobyerno.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Ipinaliwanag ni Romualdez na nagsisilbing principal driver ng kaunlaran ang pamahalaan.

Dahil dito, inaasahan aniya ang mga tanggapan ng gobyerno na bilisan ang implementasyon ng mga proyekto at programa dahil ang mga ibinabahaging pondo sa kanila ay ginagasta at hindi itinatabi.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Gayunman, dapat umanong tumalima ang expenditures sa accounting, auditing, transparency at accountability regulations.

Giit pa ni Romualdez, hindi sila magdadalawang-isip na gamitin ang oversight power upang silipin ang paggasta ng mga ahensya.

Ipinunto nito na mahirap makamit ang 7.2 percent na expansion sa fourth quarter upang maabot ang minimum expansion goal ngunit magagawa naman ito basta’t hindi magpapadala sa ingay ng pulitika.