BJMP Bicol nakalikom ng halos 120K sa sa isinagawang trade fair activity

LEGAZPI CITY – Nakalikom ng halos Php120, 000 ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Bicol sa isinagawang Women’s Month Trade Fair Activity na ginanap sa SM City Legazpi.

Ayon kay Ruth Castro, BJMP Jail Officer II, malaking tulong umano ang proyektong ito sa mga Persons Deprived of Liberty o PDL dahil makapagbibigay ito ng economic opportunities sa kanila, na kahit sila ay nakakulong, sila ay kumikita.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Aniya, ang sales o kita na nalikom sa mga produktong ibinenta sa nasabing aktibidad ay diretsong mapupunta sa mga PDLs.

Dagdag pa rito, ang mga produktong ipinamalas sa trade fair ay gawa mismo ng mga PDLs, na kung saan kasama sa mga naubos na mga pastry products ay gawa ng mga PDLs mula sa Tabaco City Jail.

Samantala, isa rin sa mga nakalatag na proyekto ng nasabing himpilan ang Zumba For A Cause na may layuning maglikom ng pondo para sa mga indigent family members ng mga babaeng PDLs.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Nanawagan din si Castro sa mga miyembro ng komunidad na gustong magpahatid ng tulong tulad ng pamamahagi ng mga toiletries o pagsasagawa ng mga community-based projects, na huwag mag alinlangan na makipag-ugnayan sa kanila sapagkat kailangan din umano ng mga PDLs ng kanilang atensyon.