CAMARINES NORTE- Tuloy- tuloy ang biyahe ng pampasaherong bangka sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte simula kaninang umaga.
Ito ay sa kabila ng halos magdamagang malalakas na pag- ulan hanggang kaninang umaga.
Kalmado naman ang dagat kaya pinayagan ang tuloy- tuloy na pagbiyahe.
Naka- antabay ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa Mercedes port upang tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero.
Kapag malakas kasi ang agos ng tubig dagat ay pinapahinto ang biyahe hanggang sa muling bumuti ang panahon.
Nakataas pa rin ang gale warning sa karagatang sakop ng Camarines Norte kaya inaabisuhan lalo na ang mga maliliit na sasakyang pandagat na iwasan muna ang pumalaot.
Dahil naman sa mga pag ulang naranasan simula pa kagabi ay ilang lugar ang binaha.
Dagdag kalbaryo pa sa mga magulang at estudyante ang hindi agad pagsususpinde ng klase partikular ng LGU Daet.
Dahil naman sa hindi magandang lagay ng panahon nakakaranas ngayon ng pagkawala ng suplay ng tubig at kuryente sa ilang lugar sa lalawigan.
