KORONADAL CITY — ISA ang patay habang isa ang sugatan sa pamamaril kahapon ng hapon sa harap ng Barangay Hall Compound, Barangay Palian, Tupi, South Cotabato.
Kinilala ang namatay na si Eman Boris Kalamongi, 21-anyos habang sugatan naman ang kapatid nitong si Jayvee Kalamongi, 24, kapwa mga residente sang Sitio Abdul, Barangay Palian, Tupi.
Ayon sa Tupi PN, pinagbabaril sa lugar ang mga biktima ng hindi nakilalang mga suspek na mabilis tumakas matapos ang krimen.
Agad umanong binawian ng buhay si Eman habang naisugod naman sa ospital si Jayvee.
Sinabi ng Tupi PNP na nakuhaan ng component ng umano’y Improvised Explosive Divices o IED ang sling bag ni Eman at sa imbestigasyon, napag-alaman na warrant of arrest ito sa kasong robbery with homicide.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Tupi PNP sa insidente.
