Biyahe ng mga small vessels sa Southern Tagalog, suspendido

Suspendido ang biyahe ng mga maliliit na sasakyang pandagat sa sa ilang bahagi ng Southern Luzon dahil pa rin sa masamang panahon dulot ng hanging habagat.

Ayon sa abiso ng Coast Guard District Southern Tagalog, bawal maglayag o pumalaot ang maliliit na barko lalo na ang mga bangka sa Romblon, Marinduque, Occidental Mindoro, Lubang Island, Northern Quezon, Polilio Group of Islands at Oriental Mindoro.

Read More:  Lightning strike hits divers’ pumpboat near Nogas Island in Antique

Nabatid na tanging sa bahagi ng Polilio Islands sa Quezon may nakataas na Storm Signal sa buong Timog Katagalugan dahil sa Bagyong Goring.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Sa Batangas, bagama’t walang nakataas na gale warning, mahigpit ang paalala ng ahensya sa mga maglalayag na maging alerto at obserbahang maigi ang lagay ng karagatan.

Samantala, anumang oras ay posibleng balik na rin sa normal ang biyahe kung aalisin na ang gale warning na ibinabala ng PAGASA.