Biyahe ng bus mula Maynila-Naga ipagpapatuloy kahit ECQ na sa NCR; fully vaccinated individual kailangan pa rin mag presenta ng COVID-test result

NAGA CITY- Tuloy ang biyahe ng bus mula sa Parañaque Integrated Terminal (PITX) patungo sa Bicol Central Station sa Naga City pati ang interzonal trips o biyahe sa pagitan ng mga probinsya.

Pinayagan ng Department of Transportation (DOTr) ang nasabing sistema kahit pa isasailalim sa Enhanced Community Quarantine ang National Capital Region mula bukas Agosto 6, 2021.

Sa  pagpupulong ng Naga City Health Emergency Response Task Force (HERTF) pinayagan ang mga tatlong bus company na magpatuloy sa kanilang operasyon; Raymond, DLTB at Bicol Isarog.  Lima ang daily trips mula sa Naga.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Mas magiging mahigpit sa PITX, ang mga fully vaccinated na ay dapat paring mag presenta ng COVID- test result; RT-PCR man o Rapid Antigen , valid ang test 48-oras bago sumakay.  Pareho ang hinihingi para sa mga outbound o paalis sa Naga.

Ipinaliwanag ni Nonoy Reforsado, terminal Manager ng Bicol Central Station na kailangan pa rin ng test result ng mga bakunado na dahil may mga asymptomatic at hindi naman nangangahulugan na vaccinated na ay hindi na tatamaan ng virus batay sa mga eksperto sa kalusugan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Nasa kautusan din ng HERTF na paigtingin ang pagbusisi sa mga dokumento upang hindi makalusot ang may dala ng pekeng COVID-test Result at pekeng vaccination cards lalo pa ngayong may banta ng Delta variant.