Bishop Alarcon umapela ng dasal para sa mga nasalanta ng baha sa Misamis Occidental, second collection sa misa inilaan para sa mga biktima

CAMARINES NORTE- Umapela ng dasal si Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon para sa mga nasalanta ng matinding pagbaha sa Misamis Occidental noong mga nagdaang araw.

Sa misa para sa Bagong Taon sa Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos sa Holy Trinity Cathedral,  hinimok ng Obispo ang mga taga Camarines Norte na isama sa mga dasal ang mga biktima.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Inilaan din ang second collection ng misa na iipunin at ipapadala sa mga nasalanta.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) umakyat na sa mahigit tatlumpo ang naiulat na nasawi dahil sa matinding pagbaha at landslide sa Visayas at Mindanao noong nagdaang mga araw.

Ayon pa sa ulat, nasa 124,853 pamilya o 486,485 indibidwal ang apektado mula sa Mimaropa, Bicol region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga peninsula, Northern Mindanao, Davao region at Soccsksargen matapos masalanta ng ng shear line.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Umabot na rin sa mahigit P51 milyon ang halaga ng pinsala sa imprastraktura, kasama na ang mga nasirang bahay na nasa 4,000.

Nasa P208.5 milyon naman ang halaga ng napinsala sa agrikultura dahil pa rin sa shear line.