Pastoral letter ni Bishop Rex Andrew Alarcon ng Daet ngayong bagong taon sumentro sa ilang mahahalagang usapin tulad ng mga magiging pagbabago sa Diocese, pamilya at mga kabataan

CAMARINES NORTE- Sumentro sa ilang mahahalagang usapin tulad ng malaking pagbabago sa lokal na simbahan ngayong 20223, pamilya at mga kabataan ang inilabas na Pastoral Letter ni Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon ngayong bagong taon.

Binasa ang liham pastoral sa Holy Trinity Cathedral at iba pang mga simbahan na may titulong “Sama- sama, Tulong- Tulong Tayo Tungo sa pagpapanibago.

Sa unang bahagi nito ay sinabi ni Bishop Alarcon na isang biyaya ang magsimulang muli sa nakalipas na mahirap na panahon ng COVID- 19 pandemic.

Ang taong 2023 aniya ay pagkakataon upang bumangon muli at ipagpatuloy ang paglalakbay sa buhay.

Ang Diocese of Daet ay nasa ikalawang taon na ng paghahanda para sa ika- 50 anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang Diocese noong 1974.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ang layon ng ikalawang taon ay ang pagpapanibago na napapanahon aniya dahil tinatawag ng Santo Papa ang mga mananampalataya tungo sa pagpapanibago ng simbahan upang maging isang Simbahang sinodal.

Bilang pagtugon umano sa panawagang ito ang Diocese of Daet ay may dalawang pangunahing layunin ngayong 2023 at ito ay ang Re- organization at formation.

Ngayong Enero 2023 ay magaganap ang pagpapalitan ng mga destino ng mga kaparian.

Kasama umano sa Re- organization ang patuloy na pagsasaayos ng mga sistema sa accounting procedures.

Bubuhayin ang mga Pastoral at Finance Councils sa lebel ng parokya at mga barangay gayundin ang re- vitalization ng mga ministry at religious oranizations, institusyon, paaralan at religious congregations.

Sa formation naman ay patuloy na bibigyang pansin ang on going formation ng mga kaparian, ang paghuhubog sa seminaryo, lay formation, Catechesis at edukasyon.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ayon pa kay Alarcon, na siya ring Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Youth, dalawang sektor din ang tututukan sa diocese at ito ang pamilya at mga kabataan.

Ang pagbabago umano ng Lipunan at Simbahan ay sa pamamagitan ng mga Kabataan kaya mahalagang sila ay maturuan at maalalayan.

Dumadaan umano ang mga kabataan sa pamilya kaya kailangan itong palakasin.

Isa umano sa mga nakakabahala sa kasalukuyan ay ang pagkawala ng sigasig at sigla ng marami.

Sa huling bahagi ng liham pastoral ay hinimok ng Obispo ang lahat na alalahanin at tulungan ang mga nasalanta ng baha sa Misamis Oriental.

Gayundin ang ipagdasal ang kaluluwa ng namayapang si Pope Emeritus Benedict VI.