Bishop Alarcon pangungunahan ang Misa sa kapistahan ni San Jose Manggagawa bago ang kaniyang installation sa Caceres

CAMARINES NORTE – Pangungunahan ni outgoing Daet Bishop Rex Andrew Alarcon ang Diocesan celebration ng kapistahan ni San Jose Mangagawa sa May 1, 2024, ang patron ng Diocese of Daet.

Ito na ang pinakahuling misa ni Alarcon bilang Obispo ng Diocese of Daet bago ang pormal na pagtatalaga sa kaniya bilang Arsobispo ng Caceres kinabukasan May 2. Naka- schedule ang misa alas 6 ng umaga sa Holy Trinity Cathedral at pagkatapos nito ay ihahatid na ang Obispo sa Caceres.

Batay naman sa inilabas na schedule ng Archdiocese of Caceres alas 9 ng umaga sa May 1 ay ang inaasahang pagdating ng Archbishop- elect sa Naga- Milaor boubdary at magkakaroon ng motorcade. Magkakaroon din ng Liturgical reception sa Parish of St. Dominic Guzman sa Gainza, Camarines Sur at pagbisita sa Basilica Minore of Our Lady of Pe├▒afrancia. Alas 9 naman ng umaga ng May 2 ang installation at Canonical possession ng Archbishop- elect.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *