Bishop Alarcon ng Daet umapela ng dasal sa gitna ng kaguluhan sa bansang Ukraine

CAMARINES NORTE-Umapela si Bishop Rex Andrew Alarcon ng Diocese of Daet na patuloy na magdasal para sa kapayapaan ng bansang Ukraine.

Ito ay sa gitna ng sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine at patuloy na kaguluhang nagaganap ngayon.

Inanunsiyo rin ng Obispo na ang second collection sa mga misa kahapon ay iipunin upang itulong sa Ukraine.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Matatandaan na sumiklab ang kaguluhan sa naturang bansa noong nakaraang buwan.

Pinauulanan ng Russia ng missile ang Ukraine, partikular ang kabisera nitong Kyiv nitong mga nagdaang araw.

Nagpatupad naman ng sanction  bilang ganti ang ilang bansa gaya ng UK laban sa Russia, tulad ng pag-freeze ng assets ng major Russian banks.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Maging ang mga Russian billionaires na kaalyado ni Russian President Vladimir Putin na may mga negosyo at aria-arian sa UK at paghinto sa hi-tech exports.

Nagkaroon din ng kaliwa’t kanang protesta kontra sa Russian invasion sa Ukraine.