Bishop Alarcon ng Daet humingi ng dasal para sa matagumpay na pagdaraos ng Plenary assembly ng lahat ng katolikong Obispo sa buong bansa

CAMARINES NORTE- Humingi ng dasal sa mga mananampalataya si Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon para sa matagumpay na pagdaraos ng 124th plenary assembly ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na nagsimula kahapon na ginaganap sa isang retreat center sa Tagaytay City.

Sinabi ito ng Obispo noong Linggo bago dumalo sa naturang pagtitipon.

Isa si Bishop Alarcon sa mga opisyal ng CBCP bilang Chairman ng Episcopal Commission on Youth.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ayon sa Obispo ang mga unang araw ng pagtitipon ay sesentro sa National Synodal Consultation.

Matatandaan na nagkaroon ng consultation hanggang sa mga barangay simula noong nakaraang taon upang pag usapan ang ilang mga bagay at isyu patungkol sa simbahan.

Bawat Obispo sa Diocese ay may kasamang isang layko bilang bahagi ng delegasyon.

Batay sa ulat ng CBCP News binubuo ang kasalukuyang kapulungan ng mga Obispo ng nasa 86 na active bishops, 41 honorary members na mga retiradong Obispo at dalawang diocesan administrators.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng face-to-face meeting ang mga Obispo pagkalipas ng dalawang taon dahil sa pandemya.

Kabilang umano sa mga pag uusapan sa plenary assembly ay ang tungkol sa nakalipas na 2022 elections kung ang speakers ay ang mga kinatawan mula sa Halalang Marangal Coalition at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Photos: Fr. Philip Ibasco/CBCP news