Bishop Alarcon may paalala sa mga kabataan sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa

CAMARINES NORTE- Nagbigay ng ilang mga paalala si Daet Bishop Rex Andrew Alarcon hinggil sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa.

Ayon kay Alarcon, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth na sa darating na halalan ay dapat labanan ang kasakiman, kawalang pakialam at kawalan ng interes.

Sa halip ay magpakita ng pagmamalasakit,  gumawa ng tamang desisyon at gamitin ang kalayaan sa pagpili ng mabuti.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Hinimok din ng Obispo ang mga kabataan na mangarap para sa bansa at iwasan ang pagaaway- away.

Sinasabing mahigit sa kalahating porsiento ng registerd voters sa bansa ay mga kabataan.

Ginawa ng Obispo ang pahayag sa kaniyang homily sa pagdiriwang ng National at Diocesan Youth Day kahapon na ginanap sa Holy Trinity Cathedral na dinaluhan ng mga kabataan mula sa iba’t- ibang parokya ng Diocese of Daet.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Sa naturang misa din ay sinabi ng Obispo na maaaring magsimula ang mga kabataan ng fund raising activity para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Kung anuman umano ang malilikom ay ipadala lamang sa katedral para ipadala naman sa national office ng komisyon.