CAMARINES NORTE – Umapela ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa taxpayers na ideklara ng tama ang binabayarang buwis upang maabot na rin ang goal na ibibigay sa District ngayong 2024.
Aminado kasi si Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon na hindi naging maganda ang collection performance ng RDO 64 noong 2023.
Kaya naman mahalaga umano ang kooperasyon ng taxpaying public.
Noong 2023 nasa 1. 6 billion ang goal ng district na mas mataas ng 50 % noong 2022.
Ngayong 2024 ay wala pa umanong ibinababang goal para sa district.
Nanawagan din si De Leon sa mga negosyante at indibidwal na magbayad ng annual registration fee bago mag January 31.
Ang mga employer naman ay pinapaalalahanang magsumite ng alpha list ng kanilang mga empleado bago ang nabanggit na petsa at 2316 form naman bago mag February 28 para sa mga bagong empleado.
