BIR-Sorsogon bigong makolekta ang target na buwis sa unang semester ng taon

SORSOGON CITY—Inanunsyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Sorsogon na nabigo silang makolekta ang target na buwis sa unang semester ng taon.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Revenue District Office (RDO) head Princini Parco sinabi nito na nagshort ang kanilang ahensya ng P10,404,508.23 o katumbas ng 1.73% mula sa overall collection target na nasa kalahating bilyong piso.

Anya, marami pa rin talagang business establishments ang hindi pa nakakabayad ng tamang buwis sa gobyerno.

Ayon sa opisyal, ipinag-utos ng bagong BIR Commissioner ang pagpapaigting ng mga RDOs sa collection efficiency kung saan dapat  makolekta ang lagpas sa 20% buwis kada semester kaya patuloy ang monitoring at panghihikayat ng ahensya sa lahat na gampanan ang kanilang obligasyon sa pagbabayad ng tamang buwis.#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *