CAMARINES NORTE- Nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga taxpayer na huwag nang hintayin ang itinakdang deadline sa paghahain ng annual income tax returns o AITR.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Revenue District Officer Felix Roy, inihayag nito na dahil natapat ng Sabado ang April 15 ay pinalawig ito ng ahensiya ng hanggang sa April 17, Lunes.
Gayunman, mas mainam umano kung maagang makapag file ng ITR o isang linggo bago ang itinakdang deadline.
May nakatalagang Tax Assistance Center ang BIR sa mall at ilang business establishment tulad sa SM City Daet, New One Department Store, Houseware Plaza Supermarket at LCC sa Labo.
Mayroong mga tauhan ang BIR sa mga nabanggit na center upang umalalay sa mga taxpayer sa paghahain ng kanilang ITR.
Hinimok rin ni Roy ang mga taxpayer na gamitin ang kanilang E- services upang hindi kailanganing pumunta sa kanilang opisina.
“Yung E- appointment pupunta ka lang actually sa website, yung website parang dashboard yan ng BIR lahat ng kailangan mo andiyan, gusto mong maki E- appointment sa RDO 64 hanapin mo ang appoitment na module, gusto mong mag update ng registration mo meron tayong orus, yung tinatawag nating online registration update system,” ani Roy.
Ang taxpayer na required na gumamit ng Electronic Filing and Payment System (eFPS) ay kailangang mag- file ng kanilang AITRs electronically at magbayad ng tamang buwis sa pamamagitan ng eFPS-Authorized Agent Banks (AABs) kung saan sila naka- enroll.
“Ang gagawin mo lang na mag- file ka sa BIR kung dati ka namang nagpa- file, usually meron na kaming yung electronic filing and payment system, pwede mo namang i- avail yung e-BIR forms kung wala kang babayaran, kung wala kang babayaran di mo kailangang pumunta pa ng bangko, hindi mo rin actually kailangang pumunta sa BIR kung wala kang babayaran ang gagawin mo lang mag e-BIR forms ka.”
Samantala, nagpaalala rin si Roy sa mga VAT taxpayer na ang deadline naman ay sa April 25.
Alinsunod ito sa bagong regulations ng ahensiya na quarterly na ang pag- file ng VAT taxpayer sa halip na monthly na unang ipapatupad ngayong taon.
