Bilang ng mga eskwelahan sa Camarines Norte na lumahok sa limited face-to- face classes nadagdagan pa

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Education na nadagdagan pa ang bilang ng mga eskwelahan sa Camarines Norte na lumahok sa implementasyon ng limited face-to- face classes.

Ayon kay Schools Division Superintendent Nympha Guemo mula sa 287 noong March 17, nadagdagan ito ng sampu noong March 23 kaya nasa 307 na sa 315 na eskwelahan ang nagpapatupad ng limited face-to face classes.

Walong pampublikong paaralan ang nadagdag habang dalawa naman sa pribado na dalawampu na ngayon.

Nadagdagan rin ang bilang ng mga estudyante na lumahok sa limited face-to- face classes mula nang una itong magbukas noong Marso 1.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Sa Kindergarten ay nasa 10, 998 habang sa Grade 1 hanggang Grade 6 ay nasa 68, 369 na.

Nadagdagan rin ang bilang ng mga lumahok mula sa Junior at Senior High School.

Sa Junior High School ay mayron nang 27, 764 na lumahok sa limited face-to-face classes at sa Senior High School naman ay may 6, 294.

“Ibig sabihin kumbaga perhaps dahil sa advocacy ng Division Office office, advocacy ng gating mga paaralan s atulong ng ating mga school heads ay  we were able to motivate, we are able to  encourage the parents to send their children to the school for limited face- to- face, ani Guemo sa programang DepEd Hour.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Pumayag na rin ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Talisay na magkaroon ng limited face-to- face classes sa elementary kung saan mayroong sampung nakilahok.

Ayon kay Guemo, flexible naman ang DepEd sa class program at kung ano ang makakatulong sa mga estudyante ay siyang ipinatutupad.