BIR muling nagpaalala sa mga kandidato sa darating na May 2022 elections hinggil sa kanilang obligasyon

CAMARINES NORTE- Dalawang araw bago ang pagsisimula ng local campaign period, muling pinaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga kakandidato sa May 2022 elections hinggil sa kanilang obligasyon.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon na simula pa noong Enero ay masigasig na ang information dissemination campaign ng ahensiya sa pamamagitan ng Candidates Briefing katuwang ang Commission on Elections.

Nagpalabas umano ang BIR ng panibagong Revenue Memorandum Circular pero ito ay pagpapaalala lang sa mga kandidato hinggil sa mga obligasyon sa ilalim ng batas sa pagbubuwis.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Kabilang dito ang obligasyong magparehistro bilang political candidate at pagbabayad ng Annual Registration Fee at ang pag maintain ng libro at resibo sa campaign expenditures.

“Ang dating obligasyon lang naman is kung nag register na sila, nagbayad ng annual registration fee na P500, ngayon required sila, yung libro na tatakan namin yun ,mag maintain ng books and yung resibo na meron din namang nabibili dito sa atin sa halagang P33,” ani De Leon.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Sa panahon ng eleksyon ang mga kandidato ay nire- require na mag -withhold ng P5 % sa kanilang mga transaksyon o campaign expenditures.

“Bumili ng t-shirt, so yung supplier nila babawasan nila ng 5 %, nagpagawa ng tarpaulin, yung supplier nila babawasan ng 5 percent, basta any expense related sa ano, may withholding tax sila, magbabawas sila ng 5 % ire remit sa BIR.”

Kung nag register bilang political candidate noong 2021 ay mayroon pang babayaran ngayong 2022 na annual registration fee.