Binigyang-diin ni Senadora Nancy Binay na “very restrictive” ang bagong inilabas na guidelines ng Inter-Agency Council Against Trafficking’s (IACAT) lalong lalo na sa mga unang beses palang na babyahe.
Ayon kay Binay, maituturing na “coercive”, “restrictive” at “redundant” ang paghingi ng ilang dokumento tulad ng confirmed round ticket, proof of accomodation at financial capacity sa mga self-funded travels.

Habang original PSA, notarized na kopya ng sulat mula sa sponsor at valid work visa/permit naman sa mga sponsored travels.
Dagdag pa niya, imbis na mag-require ng mga karagdagang dokumento sa mga pupunta sa ibang bansa, dapat ay bigyang-pansin nalang ng IACAT ang paggamit ng teknolohiya na mas tiyak na makakapag-curb sa kaso ng human trafficking.
Kung maalala, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa dating naitala na 248 na potensyal na kaso ng human trafficking ay nasa 340 na ito.