Binatang akusado sa kasong tangkang panggagahasa naaresto ng Basud Police sa Bulacan

CAMARINES NORTE- Arestado ang isang binata mula sa Basud, Camarines Norte na akusado sa kasong tangkang panggagahasa.

Sa ulat ni PMaj Eva Guiruela, Hepe ng Basud Municipal Police Station, kinilala ang akusado na si Carlo Bon, 22, laborer, residente ng Brgy. Tuaca sa naturang bayan.

Ginawa ang pag aresto ng mga operatiba ng Basud MPS katuwang ang mga kapulisan ng Marilao sa Block 2, Lot 61, Villa Grande Subdivision, Brgy. Lambakin, Marilao, Bulacan dakong alas 11 Lunes ng hatinggabi,  March 13.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa bisa ito ng warrant of arrest na ipinalabas ni Acting Presiding Judge Arniel Dating ng Regional Trial Court Branch 56, Libmanan, Camarines Sur.

Nagrekomenda ng halagang Php 120,000.00 na piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ni Bon.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Si Bon ay ikalawa sa Municipal Most Wanted Person ng Basud at ika- siyam naman sa talaan ng Provincial Most Wanted Persons.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa kustodita n ng arresting officers ang akusado pabalik ng Basud MPS para sa kaukulang disposisyon.