11 mga mangingisda na tumaob ang sinasakyang bangka sa gitna ng laot, na rescue sa bayan ng Pandan, Catanduanes

BNFM BICOL—Nasa 11 mga mangingisda mula sa lalawigan ng Albay at Camarines Norte, ang na rescue sa bayan ng Pandan, Catanduanes matapos ang mga itong maaksidente sa gitna ng laot pasado alas diyes ng gabi nitong Linggo.

Batay sa ulat ng Catanduanes Police Provincial Office, na rescue ng mga personahe ng Philippine Coast Guard, MDRRMO at LGU-Pandan sa Sitio Carbao Brgy. Oga ang mga mangingisdang kinilalang sina Helbert Rodriguez, 38 anyos; Raniel Apolinario, 36 anyos, kapwa residente ng Mercedes, Camarines Norte.

Dennis Apolinario, 45 anyos; Jeric Balcena, 21 anyos; Junyses Daval, 32 anyos; Orlando Rosas, 31 anyos; Domingo Tumiqui, 50 anyos; Paul Allen Ecleo, 22 anyos; Christopher Yumol, 41 anyos; Dennis Padilla y Vicente, 26 anyos; at John Ruel Banzuela, 26 anyos, pawang mga mangingisda at residente ng Bacacay, Albay.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Batay sa salaysay ng mga biktima, tumaob ang kanilang sinasakyang bankang de motor dahil sa malalakas na hangin at malalaking alon na humampas at sumira dito.

Mahigit isang oras umanong lumangoy ang mga mangingisda bago natunton ang naturang lugar kung saan na sila na rescue ng mga rumespondeng otoridad.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Pawang nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima kaya’t agad ang mga itong isinugod sa ospital upang mabigyan ng karampatang lunas.

Sa ngayon, gumagawa na ng hakbang ang LGU upang maibalik ang mga ito sakani-kanilang pamilya.

Paalala ng pamunuan ng Pandan MPS sa mga mangingisda, manatiling nakatutok sa lagay ng panahon bago maglayag at siguruhin ang kundisyon ng sasakyan at ng kanilang kagamitan para maiwasan ang ganitong insidente.###