Binata sa Minnesota, may pinakamalaking bibig sa buong mundo

Minnesota U.S.A—Kinilala ng Guinness Book of World Records ang isang 14-anyos na binata sa Minnesota, USA sa pagkakaroon ng pinakamalaking bibig sa buong mundo.

Batay sa ulat, kinilala itong si Isaac Johnson na nagtataglay ng bibig na umaabot sa 4 inches ang laki kapag siya ay nakanganga.

Sa sobrang laki ng bibig ni Jonhson, kasya dito ang apat na pinagpatong-patong na ham burger at 1.5 na litro ng soft drinks.

Ayon kay Johnson, mas lumalaki pa umano ang kanyang bibig ngayong siya ay nagbibinata o nasa puberty stage.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *