Binata, patay sa aksidente sa motorsiklo

Patay ang isang binata matapos sumemplang sa minanehong motorsiklo bandang alas-nwebe kagabi sa Macadam Road Barangay Riotuba Bataraza, Palawan.

Kinilala ang biktima na si Mensorong Sampanan Saimon, 23 anyos na residente sa Sitio Kayasyasan , Brgy. Rio Tuba.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sa imbestigasyon ng Bataraza PNP, nawalan umano ng kontrol sa minamanehong Honda XRM motorcycle ang biktima bago ito bumagsak sa sementadong kalsada dahilan ng matinding pinsala niya sa ulo.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Isinugod pa ang biktima sa Riotuba Nickel Foundation Incorporated Hospital ngunit kalauna’y namatay din.