Binata, nalunod sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Patay ang isang binata matapos na malunod sa Pasacao, Camarines Sur.

Sa ulat ng PNP nangyari ito bansang alas 2:30 ng madaling araw nitong Abril 4, sa Barangay Balogo. Nakilala ang biktima na si Noel Olino y San Juan, 29-anyos , driver ng isang funeral homes na residente ng Tinambac , Camarines Sur.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na lumangoy ito ng lasing at kalaunan ay nakitang walang malay sa tubig. Dinala sa ospital sa Naga City pero hindi na umabot pa ng  buhay.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Paalala ng mga otoridad huwag maliligo sa dagat ng nakainum.