Binata, nakipagtagaan sa nakaalitan sa sayawan

Sugatan ang 19-anyos na si Rolan Dolar nang pagtatagain ng dalawang kalalakihan na nakaalitan nito sa Sayawan sa Sitio Binuan, Barangay Libertad, Taytay, Palawan madaling-araw ng ika-25 ng Mayo.

Ang supek ay pinangalanan ng PNP na sina alyas Raul, 36-anyos at alyas Vinvin, 18-anyos.

Ayon sa PNP, nagsagutan ang dalawang panig habang nasa sayawan sa kanilang barangay dahilan kaya inabangan ni Raul ang biktima sap ag-uwi nito at inundayan ng taga.

Nagawa pa umanong umilag ng biktima bago niya kinuha rin ang kanyang itak at nakipagtagaan din kay Raul.

Ang kanilang paglalaban ay nakita naman ni alyas Vinvin kaya kinuha niya ang itak kay Raul bago naman inundayan ng taga sa Rolan.

Samantala, nagtamo ng sugat sa katawan ang biktimang si Rolan at ang suspek na si Raul na parehong nasa ospital ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *